MAKUHA KA SA TINGIN
Lumingon ako upang tingnan siya.
Nakita kong nakatingin siya sa 'king may malamlam na mga mata.
Ako lang ba ito o talagang malamlam ang titig niya?
Sabi nila, hindi naman daw mapungay ang mga mata niya
pero tuwing nalilingunan ko siya
sinasalubong ako ng titig niyang
nanunuot at puno ng pag-aalala.
Lumingon siya sa 'kin.
Tila ba lumukso ang puso ko.
Kunot ang mga noo niya.
Ano kayang iniisip niya?
Nahalata na kaya niya?
Nalaman niya ba ang kahulugan ng mga titig ko sa kanya?
Sana nga...
Pero matagal pa lang pinaramdam na niya
'di niya ako gusto...
Dapat ko na bang isuko?
o aasa pa ako?
Hindi na siguro
para hindi ako masaktan pa...
sapat ng kaibigan ko siya't laging nakakasama.
Ang tanging babaeng hindi ko makukuha...
kaibigang kong matalik mula pagkabata
Sana nga lang hindi ko siya nakilala bilang playboy...
Pero kailan ba siya magseseryoso?
Halos linggo-lingo kung magpalit ng girlfriend...
Palibhasa'y gwapo
Paano kung maging kami (asa naman ako)?
Seseryosohin niya kaya ako?
Kung siya lang ang maging girlfriend ko
'di sana hindi na ako maghahanap
Kung pwede ko lang siyang ligawan
Walang hihigit pa sa aking kaligayahan
Hay, kung ako'y sasagutin mo lang...
Pangako titino ako, isang 'oo' mo lang...