Every Sunday, kapag nagsisimba kami sobrang saya kasi it's either magmo-mall kami or kakain ng anything. Tapos kahapon kumain ako ng one of my very favorite snack ko na Piattos sour cream and onion. I remember na dati hate na hate ko 'yun pero nasarapan na ako later on.
'Yung first time ko siyang kainin, after akong lagyan ng mayonnaise sa buhok ni mama. Back in elementary kasi masyadong obsessed si mama na pagandahin 'yung hair ko. 'Yun 'yung isa sa mga hair secrets ni mama. Actually effective siya kaso lang nagkaroon ako ng parang kadiring notion sa mayonnasie. 'Pag nababad kasi sa buhok 'yun maganda nga 'yung protein ng eggs pero kadiri sobra 'yung oils. Bukod sa mahirap ng tanggalin, ang weird at nakakasuka talaga 'yung smell niya kaya naman super hate ko 'yung mga times na nilalagyan ako ng mayonnaise tapos every weekends pa 'yun.
After nun sobrang ayaw ko na ng mayonnaise. Psychosomatic siya na 'pag naaamoy ko nahihilo ako at 'pag nakakain ko naman nasusuka ako. Grabe ilang beses na akong ngssi-skip ng breakfast for the sake of not eating that eeeeewwwww. Talagang namumula 'yung neck part ko sa sobrang yuckkkkkk...
Anyways....
Back to the Piattos... To compensate for my sufferings, kasi talagang iniiyakan ko 'yun, bibilhan ako ng mama ko ng snacks na anything para tumahan ako or mapakalma ako. Tapos may time na Piattos na binigay ng mama ko tapos sobrang kadiri... yuck talaga tapos whole day galit ako sa mama ko.
I was a second-grader back then. Four years later, 'yung mga kaklase ko sobrang mahal na mahal nila 'yun tapos 'pag snack time puro 'yun 'yung food so o.p. ako siyempre makisama kaya na-addict na rin ako. Nakasanayan ko na kaya ayun...
Ganun ako kawalang kwenta... at kagulo ng utak...