ang balak dapat sa araw na ito ay sama-sama kaming magcecelebrate ng friends ko pero ang nangyari 3 lang kami nila lc, ianne at ako.
nagising ako ng around 11am. 12nn sharp ang usapan. yeah.
nung papunta na ako nagtext si ianne na hindi siya makakarating kasi "nagtatantrums tiyan ko".
instead na threesome naging date na lang.
hindi pa kami naglalunch(in my case, including breakfast) ni lc pareho dahil yun ang usapan. lunchdate+movie.
sa foodcourt kami nagkita and darn, daming tao kasi bukod sa lunch vday pa. so umikot-ikot kami pero puno lahat ng food place except for a few fine-dining place littered with couples. meh, ayaw namin dun.
pumunta kami ng the annex tapos nung una nakita namin na may free seats pa sa kenny's pero ewan hindi ko trip dun so sabi ko yun na lang ang last resort. pero pag-ikot namin parang biglang napuno na lang lahat ng ibang place so balik kami sa kenny's.
umorder si lc ng rosemary and thyme, potato salad and large coke. ako naman spaghetti, mac and cheese and large sprite. sa labas kami pina-upo.
kumain kami while talking about random stuff. hindi namin parehong naubos yung drinks. ako, for sure talagang hindi ko mauubos yun. ewan ko kung anong problema ko at pinalarge ko yun.
tapos bumalik kami sa sinehan para kumuha ng tickets for dear john. mahaba yung pila sa part papuntang the block so bumalik kami sa part ng papuntang the annex. pagkakuha ng ticket yung sinehan nasa cinema 8 so balik ulit kami sa bandang the block.
bumili kami popcorn(cheese! wala kasing nachos) nestea (sakin) and bottled water ni lc. pagpasok namin, dumiretso kami sa premiere area, pa-end pa lang so spoilers.
kala namin pareho maiiyak kami dun sa couple pero naiyak kami pareho dun sa tatay ni john. so oh well.
after pumunta kaming national bookstore. tumingin kami sa card section, nagtawanan. naghanap ng ink para sa printer nila lc pero wala.
punta kami papemelroti. bumili ako ng cute button. baba papuntang brownies kiosk sa foodcourt. bili. uwi.
hug sa parents. happy valentine's day. kain. tulog.
the end.
~> ianne inggitin ka namin. hala ka! :))